Jessica Cox: Pilotong Walang Braso

by Sikat on January 6, 2010

Jessica CoxIsang pambihirang babae ang napanood ko sa telebisyon ngayon lang, ipinanganak na walang braso si Jessica Cox subalit nagagawa niya ang mga bagay na kayang gawin ng isang taong kumpleto ang pangangatawan.

Ang 26 na taong Fil-Am na ito ay kayang magmaneho ng sasakyan, magsulat gamit ang kanyang paa, gumamit ng cellphone at computer at higit sa lahat magpalipad ng eroplano, sa katunayan, siya ay isang lisensyadong piloto sa Amerika.

{ 0 comments }

Manny Pacquiao: Boksingero ng Taon

December 30, 2009

Manny PacquiaoSa ikatlong pagkakataon, hinirang ng ESPN.com si Manny Pacquiao bilang Boksingero ng Taong 2009 (Boxer of the Year for 2009). Hindi na rin dapat ikagulat ang paghirang sa pambasang kamao ng karangalang ito, sa kanyang 2 paglaban sa taong ito ay nakapag-uwi siya ng 2 korona at nakuha ang ikapitong weight class championship.

Noong ika-2 ng Mayo 2009, pinatumba ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton sa ikalawang round ng kanilang laban sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas at naagaw ang IBO at Ring Magazine World Light Welterweight titles. At sa kanyang muling pagtungtong sa ring noong ika-14 ng Nobyembre 2009, napanalunan nya ang WBO Welterweight Title at WBC Diamond Belt ng talunin nya si Miguel Cotto sa pamamagitan ng TKO sa ika-12 round.

Read the full article →

Sikat ang Pinoy: Arnel Pineda ng Bandang Journey

December 20, 2009

Arnel Pineda ng Bandang JourneyMaagang nagsimula si Arnel Pineda sa larangan ng pag-awit, bago pa man siya nakilala sa bandang Amo, naging bokalista na siya ng bandang Yjos sa edad na 15.

Hindi naging madali ang kabataan ni Arnel, labin-tatlong taong gulang siya ng namatay ang kanyang ina dahil sa rheumatic heart disease dahilan upang mabaon sa utang ang kanilang pamilya. Ito ang nagtulak kay Pineda na tumigil sa pag-aaral ay maghanap-buhay, mula sa pamumulot ng basura at paglilinis sa pantalan ay ginawa niya upang makatulong sa pamilya.

Read the full article →

Sikat ang Pinoy: Pancho Villa, Kampeon sa Boksing

December 17, 2009

Pancho VillaBago pa man nakilala sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao, marami ng Filipino ang naging tanyag sa daigdig sa laro ito, isa na d’yan si Francisco Guilledo o mas kilala bilang Pancho Villa.

Ipinanganak si Pancho Villa sa Ilog, Negros Occidental noong ika-1 ng Agosto 1901, lumaki si Pancho sa isang hacienda kung saan nagtra-trabaho ang kanyang ama at ina. Sa edad na 11, lumuwas si Villa sa Maynila kasama ang isa pang boksingero kung saan siya nagsimulang magsanay sa larong boksing.

Read the full article →

Sikat ang Pinoy: Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas

December 14, 2009

Apl.de.Ap ng Black Eyed PeasIpinanganak sa Sapang Bato, Angeles City, Pampanga noong Nobyembre 28, 1974, si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang Apl.de.AP ay isa mga pangunahing miyembro ng Multiracial American hip hop group na Black Eyed Peas.

Si Allan ay isang Amerasian, Pinay ang kanyang ina samantalang isang African-American Airman sa Clark Air Field ang kanyang ama. Iniwan sila ng kanyang ama noong kapa-panganak pa lamang niya at napilitan ang kanyang ina na palakihin siya at 6 pa niyang kapatid.

Read the full article →